PBBM, nakatakdang dumating sa Bicol bukas; 2k titulo ng lupa, ipapamahagi sa mga magsasakang ARBs

LEGAZPI CITY – Nakatakdang dumating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bukas para pangunahan ang distribusyon ng mga titulo ng lupa at 810 certificates of land ownership awards (CLOAs) sa Fuerte Sports Complex, Provincial Capitol sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol, ipapamahagi ang mga titulo ng lupa sa mahigit 2K na mga magsasakang Agrarian Reform Benipisyaries sa rehiyon.

Aabot sa kabuuang 2,115 na titulo ng lupa ang ibibigay sa mga ARB mula sa Albay na 566, Sorsogon 78, Masbate 246, Catanduanes 17, Camarines Sur 971 at Camarines Norte 237, sumasaklaw sa mahigit 3,328.0973 ektarya ng lupang pang-agrikultura.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Layunin nito na pahusayin ang sektor ng agrikultura at pag-angat ng mga magsasakang Pilipino.