LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ang Gobyernong Gumagalaw at Lumalapit sa Tao (GGL) Multi-Service Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.
Kmakailan ay matagumpay na naisagawa ang nasabing caravan sa Jovellar Gymnasium, Jovellar, kung saan nabenepisyuhan ang mga barangay ng Calzada, Cabraran, Rizal, Mabini, Aurora, Sto. Niño, Magsaysay, Plaza, Quitinday, White Deer, Bagacay, at ilan pang mga kalapit na barangay.
Kasama sa mga aktibidad na naisagawa ang Medical Mission tulad ng pagbibigay ng libreng check-up, gamot, at dental extraction, optical at eye consultation, distribution ng ilang vegetable seeds, libreng veterinary medical services, at marami pang iba.