PBBM, hinimok ang mga business leaders sa Brunei na ikonsidera ang Pilipinas bilang prime investment destination

Inilatag ni Pangulong Bongbong Marcos sa naganap na business forum sa Brunei Darussalam ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan, upang gawing business friendly ang bansa.

Sa kanyang talumpati sa Business Forum inisa-isa ng Pangulo ang mga polisiya at programa sa bansa na makakatulong upang mapadali ang kanilang pamumuhunan.

Kabilang dito ang Retail Trade Liberalization act, Foreign investment act, Public Service act, at Renewable Energy act.

Ayon sa Pangulo, pinadadali ng pamahalaan ang pamumuhunan sa pamamagitan ng pag simplify sa tax payments at regulatory process, at ang reporma sa fiscal incentives.

Gayundin ang pagtatatag ng green lanes para sa mga strategic investment kung saan ginawang madali at mabilis ang proseso ng mamumuhunan na gustong mag-set up o palawakin ang kanilang negosyo sa bansa, partikular sa mga industriyang tinukoy bilang strategic o may significant economic importance.

Kaugnay nito, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga business leaders sa Brunei na ikonsidera ang Pilipinas bilang prime investment destination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *