Pilipinas, madadamay sa oras na tumaas ang tensyon sa China vs Taiwan – Defense Analyst

Binigyang-diin ni Defense Analyst at De La Salle University Professor Renato de Castro ang mas mainit na tensyon na nangyayari sa pagitan ng Taiwan at China.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay de Castro, sinabi nitong pagdating sa geography, pinangangambahang maaaring madamay sa naturang girian ang Pilipinas.

Dagdag pa niya, dapat maging handa sa ‘worst’ scenario ang Pilipinas lalo pa’t ipakikita talaga ng China ang kanyang kapangyarihan.

Kaugnay nito, dapat din aniyang isaalang-alang ang kalagayan ng daan-daan libong mga OFWs sa Taiwan.

Hindi rin daw dapat kalimutan na kapag nangialam ang Amerika sa tensyon sa China at Taiwan – mayroong maritime defense treaty ang Pilipinas kasama ang US.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *