300 mga sirang paaralan sa Bicol, sisimulan nang ayusin ng DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Humigit-kumulang 300 na mga paaralang nasira dahil sa mga nagdaang bagyo sa Bicol Region ang nakatakdang ayusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong taong 2024.

Ayon kay DPWH Bicol Regional Director Virgillio Eduarte, 92 mula sa naitalang mga sirang paaralan ay mula sa Albay habang ang natitirang ay mula sa Catanduanes, Camarines Sur at iba pang lalawigan.

Tiniyak ng ahensya na may sapat na pondo para sa pagsasaayos ng mga paaralan at aabot sa mahigit P100M sa DPWH para sa Quick Response Fund na magagamit hanggang matapos ang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *