PBBM, binisita ang mga sinalanta ng Bagyong Julian sa Batanes, bitbit ang P40-M na ayuda

Binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga residente ng Basco, Batanes na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Julian.

Kasabay ng pagbisita ng Pangulo ay bitbit nito ang ayuda na aabot sa P40-M para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na P15-M ang mula kay House Speaker Martin Romualdez at P25-M naman ang nanggaling sa Office of the President.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Maliban pa rito, makakatanggap din ng tig-sampung libong pisong ayuda ang mga apektadong residente.

Sinabi pa ng Pangulo na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng DSWD ng mga family food packs.

Bago pa man anya tumama ang bagyo ay meron nang 14 thousand family food packs na naka pre-position sa Batanes, kung saan ang pitong libo dito ay naipamigay na, habang meron pang additional 14thousand family food packs ang parating.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

May dala ring mga water filter ang team ng Pangulo para matiyak na may maiinum na malinis na tubig ang mga taga Batanes.