Mga magulang ni Atio, ‘nabunutan ng tinik’ at ‘nakahinga ng maluwag’ matapos makamit ang hustisya para sa anak

“Nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag”

Ganyan inilarawan ng mga magulang ni Atio Castillo nang makamit nila ang hustiya para sa anak makalipas ang pitong taong pakikipaglaban.

Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, inilahad pa ng ina ni Atio na si Carmina Castillo kung paano ang nangyari bago nila nakamit ang hustisya.

Kwento niya, alas onse ng umaga noong October 1 nang magtungo sila sa Manila RTC Branch 11 at nagdatingan na rin ang mga akusado kasama ang kanilang mga pamilya at abogado.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero nang pumasok na ang judge ay bigla raw siyang hinawakan ng kanilang abogado na si Atty. Olivia Torevillas at dito niya naramdaman na nakamit na nila ang hustisya.

Pinatawan ng parusang reclusion perpetua o pagkakakulong ng hanggang apatnapung taon ang sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity matapos mapatanuyang “guilty beyond reasonable doubt” sa paglabag sa Anti-Hazing Law of 1995.

Samantala sa kabila ng pagkamatay ng kanilang anak dahil sa hazing, naniniwala pa rin si Mrs. Castillo na hindi dapat i abolish ang college fraternities dahil nasa tao naman daw ang karapatan kung sasali o hindi at nakikita niya ang importansya nito sa komunidad.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Para sa kanya, sa mga fraternity na mismo manggaling na matigil na ang hazing, pwede naman raw magkaroon ng initiation pero wala ng pananakit na magaganap.

Sa huli, nagpasalamat sila sa mga taong sumuporta at nag-alay ng panalangin para makamit nila ang hustisya.