ABC President ambush – ‘di pa maituring na ‘election-related’

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay kay Liga ng mga Bgy President at Bulacan Board Member Ramilito Capistrano at driver nito.

Alas 6:30 kagabi ng pagbabarilin si Capistrano at kanyang driver na lulan ng isang sasakyan.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Ipinag-utos na rin ang pagbuo ng Special Investigation Task Group na tututok sa kaso ng pagpatay at agarang pagkahuli ng mga salarin sa krimen.

Nabatid na galing ng Provincial Capitol si Capistrano at patungo ng Bgy ligas nang maganap ang pamamaril.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Si Capistrano ay kilala ring negosyante sa Bulacan

Samantala, tiniyak naman ni Bulacan Governor Daniel Fernando na nakatutok ang mga awtoridad sa pagresolba sa kaso.

Maaga pa rin daw para sabihin na ito ay may kaugnayan sa eleksyon.