Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pakikipagpulong kay Chinese Premier Li Kequiang ang malalim na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China sa harap ng mga suliranin na kinahaharap ng dalawang bansa.

Ibinahagi ito ng Pangulo matapos ng kaniyang pagpupulong kay Li sa Great Hall of the People sa Beijing kahapon.
Sinabi niya na ang partnership sa China ay nakapahalagang patuloy na maging matatag dahil magiging daan ito patungo sa mutual benefit ng ating bansa.
Bukod sa China, umaasa rin ang Pangulo na makabuo ng ugnayan sa pagitan ng maraming pang bansa na makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagbabago sa hinaharap ng Pilipinas.//CA