Pilipinas, nakapagtala ng karagdagang 326 COVID-19 infections

Nakapagtala ng karagdagang 326 COVID-19 infections ang Department of Health kahapon habang ang bilang ng mga aktibong kaso ay bumaba pa sa 11,786.

Batay sa COVID-19 tracker ng DOH, ang mga bagong impeksyon ay naglagay ng COVID-19 caseload sa bansa sa 4,065,569 na may 3,988,338 recoveries at 65,445 deaths.

Patuloy na nangunguna ang Metro Manila sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,754 sinundan ng Calabarzon na may 1,291 na impeksyon, at Central Luzon na may 617.

Sa mga lugar na may pinakamaraming kaso, nanguna ang Quezon City na may 635 na impeksyon kasunod ang Cavite na mayroong 363, gayundin ang Maynila na may 351.//CA