House Speaker Romualdez, umaasang matutuloy na ngayong taon ang pagbisita ng congressional delegation ng bansa sa Beijing

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na matutuloy na ngayong taon ang pagbisita ng congressional delegation ng Pilipinas sa Beijing para higit pang mapalalim ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Romualdez na ang mgadapat ay nauna nang pagpupulong ay  nakansela dahil sa pandemya at maaaring  magpatuloy sa loob ng taon kasunod ng pagluwag sa COVID-19 restrictions ng China.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ayon kay Romualdez, isa ito sa mga napag-usapan sa pulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at  Li Zhanshu, ang chairman ng National Congress of the People’s Republic of China kahapon.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sinabi ni Romualdez na inaasahan nila  mas magbubungas ang maraming engagements sa pagitan ng Kongreso ng China at ng Kongreso at Senado ng Pilipinas ngayong taon.//CA