Hinirang bilang AquaQueen Ambassador of the Ocean ang aktres na si Patricia Javier.
Tinanggap niya ang titulo mula sa kasalukuyang AquaQueen of the Universe at founder ng bagong patimpalak pangkaragatan na si Eren Noche, na siya ring nagtatag sa Noble Queen of the Universe

Una nang nabigyan ng titulo si Patricia bilang kauna-unahang Noble Queen of the Universe noong 2019.
Si Javier ang kasalukuyang national director para sa Pilipinas at international director din ng NQULI. Sinabi ni Noche na pinili niya si Javier sapagkat kapwa sila “ocean advocates.”
Layunin ng AquaQueen of the Universe na maisulong ang pangangalaga ng karagatan.//CA