Miss Universe Philippines, pinalawig ang kanilang application deadlines para sa 2023 pageant

Pinalawig ng Miss Universe Philippines ang kanilang application deadline para sa 2023 pageant nito.

Inihayag kahapon ng organisasyon na ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang 11:59 ng gabi sa February 5.

Nauna nang itinakda ng Miss Universe Philippines ang deadline sa 11:59 p.m. sa Enero 29.

Hindi lang limitado sa mga single women ang Miss Universe PH 2023.

Ang mananalo sa 2023 pageant ang hahalili kay Celeste Cortesi, na nakatakdang lumaban sa 71st Miss Universe sa New Orleans, Louisiana sa United States sa January 14.//CA