Pasaporte ni Guo, pinakakansela na sa DFA

Ipinakakansela na ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kasunod ito sa natanggap niyang impormasyon na nakalabas na ng bansa si Guo gamit ang kanyang Philippine passport nitong July 18 papunta sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Kung kaya’t isa ito sa pangunahing rason na nakikita ni Hontiveros upang ipawalang bisa ang pasaporte nito nang sa gayon ay malimita ang pagbyahe ni Guo.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Anya, mas mapapadali kase ang pagtunton nila kay Guo kung hindi ito gala nang gala.

Samantala, tiniyak din ni Hontiveros na susuriin nila sa paparating nilang pagdinig ang paraan ng naging pagtakas ni Guo sa bansa nang hindi na-detect ng awtoridad.