PCG – umaasang magkakaroon ng panibagong agreement kasama ang China

Umaasa ang Philippine Coast Guard (PCG) na matatalakay ng mga Chinese officials ang posibilidad na bagong kasunduan sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang pinakabagong tensyon sa pagitan ng dalawang bansa kamakailan.

Ito ay sa gitna ng sinabi ng National Maritime Council na nananatiling committed ang Pilipinas sa diplomasya at mapayapang resolsuyon sa giriian sa naturang katubigan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, inaasahan nilang mapapagtanto ng China na ang ginagawa nitong pambu-bully – sa tulong ng international community, ay makapipilit sa China na makiisa sa negotiation table para magkaroon ng maayos na pag-uusap.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ngayong araw din – umapela ang US sa China na sumunod sa international law, at huminto sa mapanganib at aksyong magpapahina sa rehiyon.

Mababatid na nagtamo ng pinsala ang dalawang PCG vessels – ang BRP Bagacay and BRP Cape Engaño, matapos ang mabangga ng Chinese vessels.