PNP, nakikipag-ugnayan na rin sa kanilang counterparts sa ibang bansa sa impormasyong nakalabas na ng Pilipinas si Guo

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang counterparts sa ibang bansa kaugnay ng impormasyon na nakalabas na umano ng bansa si dismissed mayor Alice Guo.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y matapos lumutang ang iba’t-ibang bersyon na nasa Singapore o nasa Malaysia o Indonesia si Guo.

Sinabi ni Fajardo, ginagawa ng PNP ang lahat para tuloy-tuloy na mahanap si Guo.

Read More:  Imee Marcos questions President’s ‘don’t panic’ remark

Sa ngayon mahigpit na nakikipag-ugnayan ang PNP sa National Bureau of Investigation (NBI), maging sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paghahanap kay Guo.