Papel ng mga barangay officials at SK sa nation building, kinilala ni Pangulong Marcos

Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang kahalagahan ng papel ng mga barangay at SK officials sa pagpapaunlad ng bansa at lipunan.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ceremony ng mga newly elected officers ng Liga ng mga Barangay o LNB at Sangguniang Kabataan o SK National and Island Representatives sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang ginagampanang papel ng mga nasa pinakamababang antas ng pamahalaan upang mapabuti ang pagpapaabot ng mga programa mula sa national government.

Anya wala nang mas eksperto sa komunidad kundi ang leader nito, dahil sila rin ang first responders sa oras ng emergency, at sila ang nasa forefront ng pagsisikap na bumuo ng matatag, masagana at nagkakaisang lipunan.

Nag iwan naman ang Pangulo ng katanungan sa mga “new blood” leader kung ano ang future na gusto ng mga ito at ano ang kanilang suhestyon upang makamit ito, dahil pagtitiyak ng Pangulo, makikinig sa kanila ang national government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *