Panukalang pagkakaroon ng blood typing program sa bayan ng Bulan, ganap nang ordinansa

SORSOGON CITY – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Bayan ng Bulan ang pagkakaroon ng Blood Typing Program na nakatakdang ipatupad sa huling kwarto ng taon.

Ito ang kinumpirma ng Sangguniang Bayan sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Ayon kay Municipal Councilor Olaf Gotladera, malaking tulong ang pagkakaroon ng nasabing programa para sa pagkakaroon ng organisadong sistema ng mga bloodletting activities at mas mabilis na tugon tuwing mayroong mangangailangan ng dugo ang isang pasyente.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Nakapalaman sa naturang ordinansa ang pagkakaroon ng mga mobile blood typing kung saan ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa blood type ng bawat tao ay di dapat binabalewala.