Pagbebenta ng ukay-ukay wala pa ring exemption sa kasalukuyang batas-Bureau of Customs

Hindi pa rin pasok sa ‘exemption’ ang pagbebenta ng ukay-ukay sa ilalim ng Presidential Decree No. 2033 , s. 1986 (Governing Importation Of “Used Clothing” Pursuant to Central Bank Circular No. 1060 Dated May 22, 1985).

Ayon kay Gladys Fontanilla –Estrada ng Bureau of Customs –Palawan , ang napapaloob lamang sa nasabing batas na excemption para sa Republic Act 4653  ay ang mga manufacturers o  pabrika na mayroong acrredidation sa BOC na pwedeng mag-import ng mga lumang damit upang gawing ibang materyal na produkto,  ipinagbabawal rin ang pagbabenta nito kaaya ibinabalik din kung saang bansa ito nanggaling.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City
Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Hindi rin pinapayagan ang pag-import ng ukay para sa donation o ipamahagi kapag may calamity at sakuna.

Muling binigyang-diin ng BOC na ilegal talaga ang pagbebenta ng mga ukay-ukay sa bansa.