Panibagong batch ng mga OFW mula Lebanon, dumating sa bansa kagabi

Dumating sa bansa kagabi ang pang 74 batch ng mga Overseas Filipino Workers na ni-repatriate ng pamahalaan mula sa Lebanon.

Ayon sa Department of Migrant Workers, nasa 79 na mga OFW ang nakauwi ng bansa 9:45 kagabi sakay ng Emirates Airlines.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sinalubong sila ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac at ng iba pang opisyal ng pamahalaan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa kabuuan, lagpas na sa anim na raang mga OFW at mga naninirahang Pinoy sa Lebanon ang nag avail ng voluntary repatriation na iniaalok ng pamahalaan, mula pa noong October 2023, matapos sumiklab ang kaguluhan sa lugar.