Batas na nagtatag sa PNP, pinaa-amyendahan

Nanawagan si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga mambabatas na maamyendahan ang Republic Act 6975 o ang batas na nagtatag sa Philippine National Police noong 1991.

Binigyan-diin ni Gen. Marbil ang pangangailangan na muling suriin at i-restructure ang PNP upang magkaroon ng mas “streamlined structure” para sa mas mabilis na paggawa ng desisyon, lalo na sa mga emergencies.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon sa kanya, ang kasalukuyan hierarchical system ang madalas na nagpapabagal sa kanilang desisyon partikular sa mga kritikal na sitwasyon.

Kapag na-decentralize ang PNP , magbibigay ito ng kapangyarihan sa mga mababang ranggong opisyal na gumawa ng “localized decisions” na inaasahang magpapabilis sa kanilang operational efficiency at makakatulong sa pag-iwas sa delays.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kinakailangan din aniyang masolusyunan ang kakulangan ng bilang sa kanilang hanay.

Noong itatag ang PNP, mayroon lamang itong150,000 na tauhan , na hindi na sapat upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan para sa kaligtasan ng publiko at pag-iwas sa krimen.