Pangulong Marcos, may sakit

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na ang nag kumpirma na meron syang ubo at sipon.

Sa pagdalo ng Pangulo sa awarding ceremony para sa mga outstanding civil servants, habang nagbibigay ito ng kanyang talumpati, kapansin-pansin na sinisipon ang Pangulo at suminga pa sa kalagitnaan ng kanyang speech.

Gayunpaman, tiniyak ng Pangulo na hindi ito makaka apekto sa kanyang trabaho.

Kahapon una nang sinabi ni Department of Health Secretary Ted Herbosa na “under the weather’’ ang Presidente, na maaari daw nahawa sa mga taong nakasalamuha nya noong kanyang kaarawan, araw ng Byernes.

Pero binawi rin ito ng kalihim at sinabing hindi dapat ipagpalagay na may sakit ang isang tao kapag nakasuot ng facemask.