VP Sara – muling sumalang sa Kamara

Hindi pa man pormal na nagsisimula, kinuwestyon na agad ni Vice President Sara Duterte ang layunin ng ikinasang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability patungkol sa mga isyu sa budget ng Office of the Vice President.

Humarap si VP Sara sa imbestigasyon na nag-ugat sa privilege speech ni Manila Representative Rolando Valeriano na may kaugnayan sa pagtangging sagutin ang mga tanong hinggil sa panukalang budget ng OVP at findings ng Commission on Audit sa nagdaang paggastos.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Bago ang interpelasyon ay pumalag ang pangalawang pangulo sa atas ng komite na sumailalim sa oath-taking ang resource persons dahil base umano sa House rules ay witnesses o testigo lang ang dapat nanunumpa.

Idinepensa siya ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng point of order at binanggit ang kahalintulad na sitwasyon sa pagdinig sa Senado pati na ang Supreme Court ruling na nagpapaliwanag sa kaibahan ng isang akusado at testigo.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Nanindigan din ang bise-presidente na wala silang ginawang masama sa OVP lalo na ang paratang na may nangyaring maling paggamit ng pondo.

Punto ni Duterte, ang mga nabanggit sa privilege speech ni Congressman Valeriano na may kinalaman sa “misfeasance, nonfeasance and malfeasance” ay mga isyung dapat ay hinaharap sa korte at hindi sa isang inquiry in aid of legislation.

Sakaling may audit findings ang Commission on Audit ay tutugon umano sila at kung may kasong isasampa ay handang harapin sa proper courts.