PH, handa kung alisin ng China ang BRP Sierra Madre

Tiniyak ni Philippine Navy spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nakahanda ang Pilipinas sakaling subukan ng China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Trinidad na mayroon silang angkop na mga plano, at contingency plan na nakahanda.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dagdag pa niya, handa rin ang Armed Forces of the Philippines na ipatupad ang anumang polisiya kaugnay ng sitwasyon.

Una nang iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na “act of war” para sa bansa kung sakaling papaalisin ng China ang BRP Sierra Madre dahil ito ay outpost of Philippine sovereignty at hindi lang basta lumang barko ng Pilipinas

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, sa kabila ng malaking bilang ng mga barko ng China na nakapalibot sa pinag-aagawang Escoda Shoal, binigyang-diin ni Trinidad na hindi kailanman nakontrol ng Beijing ang Escoda shoal.

Ayon sa opisyal, ang presensya ng mga barko ng China sa lugar ay ilegal kaya patuloy raw nilang gagampanan ang kanilang mandato at hindi magpapapigil.