Pangulong Duterte, bibisita sa mga probinsya na hinagupit ng Odette

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibisita siya sa mga probinsya na sinalanta ng super typhoon Odette upang kamustahin ang mga tao at para alamin ang overall situation.

Sinabi ng Pangulo sa isang press briefing na plano niyang puntahan ang Leyte at Surigao bukas, ngunit kung may oras pa ay posibleng dumaan rin siya sa Bohol.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Dagdag niya, susubukan niya rin bumisita sa Cebu sa ibang araw.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Budget and Management upang malaman kung may available pa na pondo para sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Inamin ng Pangulo na lumiit ang pondo ng bansa para sa mga kalamidad dahil sa COVID-19 pandemic.