BNFM BICOL – Nagbigay babala ang Department of Health (DOH) Bicol sa publiko hinggil sa posibilidad ng muling pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa Bicol Region ngayong holiday season.
Sa isang panayam sinabi ni DOH Bicol Regional Director Ernie Vera na dapat maging maingat ang mga mamamayan at sundin ang mga umiiral na minimum public health standards.
Inaasahan kase na sa mga panahon na ito ay magkakaroon ng mga pagtitipon at hindi maiiwasan ang mga salo-salo subalit dapat pa rin aniyang i-oberba ang mga ipinatutupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pag obserba ng physical distancing.
Umaapela ang naturang ahensya ng kooperasyon mula sa publiko para mapigilan o maiwasan ang hawaan ng virus.
Dagdag pa ni Vera, hanggat hindi pa nababakunahan ang lahat ay hindi pa rin dapat na maging kampante ang mga mamamayan.
Samantala bago naman ang pasko ay inaasahan rin na isasagawa ang ikalawang batch ng bayanihan bakunahan kung saan target na muling gawin ang tatlong araw na pagbabakuna sa December 20, 21 at 22 kung saan nasa 638,961 na mga indibidwal ang target na mabakunahan sa Bicol Region.###