Pangulo, ipinagmalaki ang kaniyang paghahabol sa water concessionaires

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung meron man siyang maipagmamalaki sa kaniyang mga anak balang araw, ito anya ay kaniyang paghahabol sa water concessionaires.

Sa huling State of the Nation Address ng Pangulo ay sinabi niya na sinisingil ng concessionaires ang mga konsyumers nito noon para bayaran ang kanilang sariling corporate taxes.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Pero ngayon ay sinabi ng Pangulo na natugunan na ito sa pamamagitan ng pag-update sa mga kontrata ng gobyerno sa water concessionaires.

Wala naman tinukoy ang Pangulo na kahit anong kompanya, ngunit kung maalala ay dati nang nagkaroon ng gusot ang Pangulo kasama ang mga concessionaires na Manila Water at Maynilad.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Noong June 2020 ay inutos ng Pangulo ang pagbuo ng mga bagong kontrata kung saan ay dapat maging patas ang paniningil nito sa mga konsyumers.

Inutos rin ng Pangulo sa mga concessionaires na ibalik ang pera ng mga konsyumers na ayon sa kaniya ay ninakaw ng mga ito.