Nalusutan ni Nesthy Petecio ang dikit na laban nila ng World No. 1 na si Yu-Ting Lin ng Chinese Taipei sa Olympic Women’s Featherweight Round of 16 bout nitong Lunes.
Nagwagi si Petecia via 3-2 split decision sa laban nila ni Yu-Ting, na mas matangkad kaysa sa kaniya, na dahilan para magkaroon ng spot ang Pilipinas sa quarterfinals.
Doon ay kailangan lamang ni Petecio na manalo ng isang beses upang matiyak ang podium finish.

Mababatid na naging dikit ang laban ng dalawa kung saan ay tila pwedeng manalo ang kahit sino sa kanilang pagtutuos.
Gayunman, nakatulong kay Petecio ang resulta ng first round kung saan ay mas nakumbinsi nito ang judges sa score na 4-1.
Sa ngayon ay wala pang talo ang buong Philippine boxing team sa Tokyo Olympics matapos ang kanilang apat na laban.
Inaasahan naman na makakatapat ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda sa quarterfinals sa Miyerkules.