Pangalan ni MP Mike Midtimbang, ginagamit upang manghingi ng pera kapalit ng bigas

NANANAWAGAN ngayon sa publiko si MP Datu Michael Midtimbang na wag magpaniwala sa isang facebook account gamit ang kanyang pangalan.

Sinabi ni Midtimbang na nakarating na sa kanyang kaala,an ang modus ng nasabing indibidwal kung saan nanghihingi ito ng halagang 12 thousand pesos para pang gasoline sa sasakyan lulan ang sako-sakong bigas.

Iginiit nito na kung mayroon man syang ibababa na tulong sa mga kababayan sa rehiyon ay hindi na nya kailangan pang manghingi ng nasabing halaga para lamang ito ay maihatid.

Nakiusap sya sa publiko na kung sakaling darating sa punto na magpapadala muli ng mensahe ang nasabing indibidwal gamit ang pangalan nito ay mas makakabuti anyang kumpirmahin muna at isumbong sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *