BIR – sisilipin na rin ang posibleng tax evasion case ni Mayor Guo

Ipinag-utos ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. na busisiin ang mga pangalan at entities na na-mention sa Senate inquiry laban kay Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Lumagui, sa sandaling makita nilang may nagawang tax evasion si Guo, itutuloy nila ang necessary enforcement activities gaya ng paghahain ng tax evasion cases.

Sinabihan niya na rin daw ang buong ahensya na maki-cooperate sa Senado, at imbestigahan ang mga pangalan at yaman ng mga ito.

Wine-welcome umano ng BIR ang mga informants na maaaring makapagbigay ng dokumento o ebidensya hinggil sa auditing kay Mayor Guo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *