Panelo – pumalag sa pasabog ni Garma

Kung may ‘smoking gun’ – mayroon namang ‘smoking dud’.

Ganito inilarawan ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo ang naging affidavit at pasabog ni dating PCSO general manager Royina Garma kung saan ay idiniriin ang nagdaang administrasyon.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Panelo – inihambing niya sa isang ‘kwitis’ ang mga exposé ni Garma at inisa-isa ang mga dahilan kung bakit hindi ito credible.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Una – tinawagan daw si Garma ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong May 2016, gayong hindi pa nga ito naluluklok bilang pangulo.

Pangalawa, kay Garma na rin mismo nanggaling na hindi raw siya kasama sa ‘Davao model’.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa tingin tuloy ni Panelo, parang pinilit at tinakot lang si Garma.

Sa ngayon, nang matanong naman kung kakasuhan ba nila si Garma – ang nasabi na lang ni Panelo ay hindi na sapagkat pawang ‘hearsay’ lamang o tsismis ang mga alegasyon nito.