Nag-isyu ng Cease and Desist Order (CDO) ang Mines and Geosciences Bureau Region V laban sa ni-raid na isang “mineral processing plant” sa Paracale, Camarines Norte.
Ito ay ang planta kung saan nahuli ang 11 mga Chinese nationals.
Depensa naman ni Paracale Mayor Romeo Moreno – na-‘surprise’ sila sa nangyari, at wala siyang alam sa umano’y ilegal na operasyon ng mining plant.
Bago ito – una nang sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM Daet kay Amy Oco, may-ari ng planta, na walang katotohanan na mayroong operation na large scale mining sa lugar.
Isa rin daw itong Filipino company, at Pinoy din ang may-ari.
Hindi rin umano empleyado ng planta ang mga nahuling Chinese nationals.