Mrs. Roque – wala na sa bansa

Kinumpirma ni House Quad Committee chairperson Rep. Robert Ace Barbers na nakalabas na ng bansa si Mylah Roque, ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Barbers – sinabi nitong nakalipad na si Mrs. Roque nitong unang linggo ng Setyembre at pupunta raw pa-Amerika.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa hiwalay na pahayag, nilinaw ni Mrs. Roque na nasa Singapore siya para sa isang medical treatment.

Kinontra naman ni Barbers ang naging statement ni Mylah hinggil sa umano’y pakikipagtulungan naman niya sa QuadComm.

Sa isa kasing pahayag, sinabi ni Mrs. Roque na ibinigay naman niya ang mga hinihinging dokumento ng Kamara, pero tila’y patuloy pa silang naghahanap ng iba.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sabi ni Barbers sa Brigada – ibang dokumento ang kanilang nakuha at tanging diagnostic results lamang.

Sa huli, tuloy ang paghimok ni Barbers sa mag-asawang Roque na humarap na lang sa pagdinig para madepensahan din ang kanilang sarili.