Pananatili sa schedule ng coding sa mga tricycle, hiling ng ilang tsuper sa Cauayan City

Nanawagan ang mga tricycle drivers sa lunsod ng Cauayan sa lokal na pamahalaan na manatili na lamang ang schedule ng coding at kung maari ay huwag nang baguhin kada buwan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay FESADECO Vice President Ronald Lanuza, sinabi niya na kahit hindi nalang tanggalin ang coding sa mga pampasadang tricycle subalit hiling nila na huwag na lamang ito babaguhin.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Maalala na binabago ang number coding sa mga tricyle kada isang buwan kung saan magpapalitan ng araw ng pasada ang odd numbers at even numbers.

Giit niya na marami umanong mga nalilitong mga kasamahan nila sa organisasyon dahil sa ganitong sistema.

Paliwanag pa niya, may mga tsuper kasi na may mga sinusundo na sa mga araw ng kanilang coding at kung maiiba ito ay mag-aadjust na naman ang mga commuter at tricycle drivers.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa kabila nito, sinabi ni Lanuza na sa huli ay wala silang magagawa kundi ang sumunod pa rin sa mga panuntunan ng pamahalaang lokal sa gitna ng nagpapatuloy na laban sa pandemya.

Umapela rin siya na sana ay maipagkaloob na ang ayuda na inilalaan sa kanila ng LGU dahil matagal na umano nila itong hinihintay.