104-anyos na lolo, pinakamatandang nabakunahan sa Allacapan, Cagayan

Natanggap na ng isang 104-anyos na lolo ang unang dose ng COVID-19 vaccine na itinuturing ding pinakamatanda na naturukan ng bakuna sa barangay Labben, Allacapan, Cagayan noong May 21, 2021.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sinabi ni doctor to the barrio na si Dr. Krizel Barcena Quines na boluntaryo umano na nagpabakuna si lolo Isidro Agpoon at hindi nagdalawang-isip magpabakuna.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon pa sa kaniya, wala naman umanong naramdamang side effect ang naturang lolo matapos siyang makatanggap ng unang dose ng Aztrazeneca vaccine.