1.2 million pesos na halaga ng marijuana, narekober sa buy bust operation sa kalinga; top 10 regional level, naaresto

Narekober ng mga otoridad ang nasa 1.2 milyong pesos na halaga ng marijuana na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang lalaki na Top 10 Drug Personality Regional Level sa Purok 6, Calagdao, Bulanao, Tabuk City Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Kalinga Police Provincial Office, ang suspek ay 24-anyos na lalaki at residente ng Brgy. Lacnog, Kalinga habang kasalukuyan namang tinutugis ang isa pang suspek.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ikinasa ang buy bust operation ng pinagsanib-pwersa ng mga kasapi ng RPDEU-RSOG/RID-PROCOR, Kalinga PPO, RIU-14 sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Cordillera noong linggo, May 23, 2021.

Ayon sa PNP Kalinga, positibo umanong nabili sa naturang suspek ang 10 bricks nang pinaniniwalaang marijuana sa naturang suspek.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nakumpiska rin sa pag-iingat nito ang 99,000 pesos na boodle money, genuine 1,000-peso bill, isang cellphone at dalawang backpack.

Tinatayang may timbang na 10 kilos ang mga narekober na kontra bando.