Pinasalamatan ng mga naulila ni dating pangulong Fidel V. Ramos ang lahat ng mga nakiramay, pati na rin ang pagkakaloob ng tulong ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno para sa nagpapatuloy na burol nito.
Nagpahayag ng pasasalamat ang Pamilya Marcos sa Office of the President, at iba pang government agencies para matiyak na mapayapa, aayos, at ligtas ang burol ni FVR.
Pinasalamatan din nito ang pagkakaloob ng Gobyerno ng state funeral pati na rin ang idaraos na full military honors sa araw ng Martes.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagpunta ng ilang mga government officials sa burol ni FVR sa sa Heritage Park sa Taguig City.
Kaninang umaga, una nang nakiramay at nakidalamhati sina Pangulong Bongbong Marcos, Executive Secretary Vic Rodriguez, House Speaker Martin Romualdez.
Dumating din sina Senador Bong Revilla, dating senate president Tito Sotto, dating vice president Leni Robredo at dating senador Serge Osmeña.
#