Nire-respeto umano ng Commision on Elections ang naging paliwanag ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa pag-veto nito sa panukalang layon sanang mabigyan ng exemption sa buwis ang mga poll workers.
Matatandaan kasing sinabi ni Marcos na imbis na i-exempt ang mga ito sa buwis – bakit hindi na lamang bigyan ng subsidiya ang mga guro, at iba pang mga magta-trabaho sa t’wing mayroong halalan.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni COMELEC chairperson George Garcia na suportado nila ang plano ng Pangulo na taasan na lamang ang mga allowance na ibibigay sa mga poll workers.
Paliwanag ni Garcia, tugma naman ito sa kanilang plano.
Mas mapadadali rin aniya kung ganito ang ipatutupad na sistema lalo na’t may budget naman ang poll body at handa silang taasan ang honorariang kanilang tatanggapin.
Sakali mang matuloy ito – kahit na patawan ng tax ang mga allowance ng poll workers, sapat pa rin ang kanilang ite-take home na honoraria.
#