Pamilya ng binaril na driver sa EDSA Ayala tunnel, humihiling ng hustisya

Hustisya ang hiling ng pamilya ng driver na binaril sa Edsa Ayala tunnel, na kinilalang si Aniceto Mateo.

Ito ang panawagan ng manugang ng biktima matapos nitong dumating sa Makati Police upang maghain ng reklamo laban sa nahuling gunman.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Laking gulat nila nang malaman nilang binaril si Mateo dahil limang buwan pa lang siya na stay-in driver.

Bagama’t hindi nagbigay ng komento ang amo ng driver nan g dumating ito sa Makati PNP, nangako ito sa pamilya na tutulong sila sa gastusin sa pagpapalibing at burol na gagawin sa Tarlac.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Maalalang kinumpirma ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na arestado na ang suspek sa likod ng pagkamatay ng biktima matapos magitgitan sa kahabaan ng EDSA.