Sitwasyon ng 2020 pandemic – ‘di na mauulit – DOH

Iginiit ng Department of Health na mayroon umano silang pondo para makabili ng bagong bakuna kontra sa bagong FLiRT variants na kumakalat ngayon sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Health spokesperson at ASec. Albert Domingo, ang budget allocations para sa COVID-19 vaccinations ay ibinase sa assessment ng pangangailangang pangkalusugan ng publiko kung saan pagdating sa severity ng kaso, mild lang kaya hindi pa urgent na maglaan ng pondo at bumili ng bagong bakuna tulad noon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, nakadepende naman ang DOH sa mga donasyon kabilang ang 1 million doses na ipinangako ng Gavi Vaccine Alliance, isang global health partnership na binuo para magbigay ng equal access sa bago at underused vaccines para sa mga bata na naninirahan sa mahihirap na bansa.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Nakatakdang dumating ang unang tranche ng 500,000 bakuna sa ikalawang kwarter ng 2024.

Sa huli, tiniyak ng DOH na ‘di na mauulit pa ang antas, ‘o sitwasyon ng 2020-2022 pandemic.