Kumbinsido si House Speaker Martin Romualdez na hindi lamang ipinakilala ni Pangulong Bongbong Marcos bilang premier investment hub ang Pilipinas sa state visit nito sa Brunei Darussalam.
Ayon kay Romualdez, mahalaga ang nakamit na “diplomatic milestone” dahil sinaasalamin nito ang commitment ng gobyerno na pagtibayin ang international partnerships at isulong ang economic agenda.
Nakahihikayat aniya ang pangulo ng foreign capital na magsisilbing daan tungo sa paglikha ng trabaho at pagsigla ng ekonomiya.
Nagkaroon ng engagements ang punong ehekutibo sa business community sa Brunei kung saan ipinresinta nito anag mga oportunidad sa iba’t ibang sektor tulaad ng agrikultura, enerhiya, teknolohiya at turismo.
Naniniwala rin si Romualdez na ang mga naselyuhang kasunduan sa state visit ay magbubukas ng oportunidad para sa kolaborasyon lalo na sa trade at investment upang makamit ang kaunlaran.
Positibo umano ang naging tugon ng Brunei business leaders at nag9ing interesado sa paglalagak ng investment opportunities sa bansa.
Dagdag pa ng Speaker, ang tagumpay ng pagbisita ni Marcos ay magpapatatag sa economic at diplomatic standing ng Pilipinas lalo’t mas napalakas ang bilateral relations nito sa Brunei.