Palasyo: ‘Sariling desisyon ni Robredo maging palamuti ng admin’

Sinisi ng Malacañang si Vice President Leni Robredo sa mga naranasan nito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque,  iba ang magiging tadhana ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling maging bise presidente ito sa susunod na taon.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos sabihin ni Robredo na umaasa syang hindi mararanasan ng pangulo ang mga naranasan nya sakali mang manalo ang pangulo sa pagka bise presidente sa 2022.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sinabi ni Roque na si VP Leni naman ang nagdesisyong maging palamuti sa administrasyon dahil pinili nitong maging lider ng oposisyon sa kabila ng Cabinet position na ibinigay sa kanya ni pangulong Duterte.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Mababatid na bumaba si Robredo sa posisyon bilang housing czar noong December 2016, limang buwan matapos ang kanyang appointment nang pagbawalan syang dumalo sa Cabinet meetings.

Simula noon, naging tampulan na ng tirada ni pangulong Duterte ang bise presidente.