‘Ilang restrictions, posibleng ipatupad muli dahil sa banta ng Delta variant’

Posible umanong ibalik muli ang ilang restrictions sa gitna ng naitalang local cases ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, napatunayan na ng siyensya na mas nakakahawa at nakamamatay ang nasabing variant kaya’t mukhang sigurado nang magbabalik ang mahigpit na restrictions.

Aniya, magpupulong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) bukas para pag-usapan ang rekomendasyon ng mga eksperto na suspendihin ang polisiya na payagan ang mga batang edad 5 hanggang 17 anyos na lumabas.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nagbigay na rin ng parehong rekomendasyon sa IATF ang mga alkalde sa Metro Manila.

Mababatid na sa kanyang public address noong Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magpatupad ng mas mahigpit na restrictions ang Pilipinas matapos na makumpirma ng Department of Health (DOH) ang insidente ng local cases ng Delta variant ng coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nang tanungin naman si Roque kung ibabalik pa ang NCR Plus bubble, sinabi ng kalihim na mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang mga numero sa Metro Manila at iba pang lugar na may naitalang mataas na bilang ng COVID-19 cases.