Inanunsyo ng OCTA Research group na tumaas sa 1.08 ang COVID-19 reproduction number ng Metro Manila na nagpapakita ng sustained transmission sa gitna ng paghahanda ng bansa sa Delta variant.
Sa kanilang latest monitoring report, sinabi ng OCTA na mayroong average 722 bagong kaso ang Metro Manila kada araw mula July 14 hanggang 20, mas mataas kaysa sa average 629 daily new infections mula July 7 hanggang 13.
Nakapagtala rin ang National Capital Region (NCR) ng average daily attack rate (ADAR) na 5.39 cases per 100,000 population, 42 percent ICU utilization, at positivity rate na 68 percent.
Una nang sinabi ng OCTA na habang ang uptick ng infections sa Metro Manila ay cause for concern, di pa ito cause of alarm” dahil maaga pa para sabihing magpapatuloy ang tumataas na trend.
Sa ngayon, mayroong walong aktibong kaso ng Delta variant ang Pilipinas, anim dito ay local infections.