Pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Setyembre bahagyang bumagal sa antas na 6. 8 %

CAMARINES NORTE – Bahagyang bumagal sa antas na 6.8 % ang headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) mas mabagal ito kumpara sa naitalang 8.0% noong Agosto

Gayunman mas mataas ito kumpara sa 3.1 % lang sa kaparehong panahon noong 2020 at pangalawa sa may pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa loob ng siyam na taon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pangalawa rin ang lalawigan sa buong rehiyon na nakapagtala ng mataas na inflation.

Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Sur sa 8.5 % habang pinakamabagal naman sa Sorsogon sa 3.3 %.

Naitala naman sa antas na 6.9 % ang headline inflation sa buong Bicol Region.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ibig sabihin bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa buong rehiyon noong Setyembre kumpara sa 7. 4 % noong Agosto.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pangkaraniwang serbisyo at produktong binibili ng mga konsyumer.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.