DepEd nananatiling positibo sa gitna ng napakaraming problema na dulot ng pandemya

CAMARINES NORTE- Nananatiling positibo ang Department of Education sa gitna ng napakaraming problemang kinakaharap sa sektor ng edukasyon na dulot ng COVID- 19 pandemic.

Sa kaniyang mensahe sa mga kaguruan ng Camarines Norte sa World Teacher’s Day Virtual Celebration nitong Martes sinabi ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na kailangan lang ang lakas ng loob at pagpupunyagi para malagpasan ang nakaparaming problemang kinakaharap ngayon.

Mensahe niya sa mga guro na huwag mawalan ng pag asa at ingatan ang sarili dahil kailangan sila ng mga batang Cam Norteno.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Darating umano ang panahon na makakabangon din sa hamon ng panahon.

Pinasalamatan din nito ang mga guro dahil sa pagod, hirap  at ipinakitang dedikasyon sa pagdadala ng edukasyon sa mga mag- aaral sa gitna ng pandemya.

Hindi umano matatawaran ang ipinamalas na malasakit, pang unawa, pasensiya at pagtitiyaga ng mga guro maitawid lang ang pag- aaral ng mga bata gamit ang distance learning modality.

Nagbigay din ng mensahe si Regional Director Gilbert Sadsad sa mga kaguruan ng Camarines Norte.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya napakahirap at punong- puno ng hamon lalo na ang School Year 2020- 2021, ang unang taon ng implementasyon distance learning modality dahil sa COVID- 19 pandemic pero naitawid pa rin umano ito.

Nakita umano ni Sadsad ang kahandaan ng mga eskwelahan sa lalawigan para naman ngayong School Year 2021- 2022 nang ito ay bumisita sa pagbubukas ng klase.

Batid din umano niya na naghahanda ang mga eskwelahan sa pagbubukas ng limited face to face classes sakaling mapili sila sa pilot implementation.