CAMARINES NORTE- Aabot sa tatlumpung biik ang naipamahagi ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Capalonga sa nasa labing limang benepisyaryo sa ilalim ng Swine Production Program.
Ang pamamahagi at pag turnover ng mga biik na inalagaan sa Capalonga Municipal Demonstration ay pinangasiwaan ni Municipal Agriculturist – Dr. Hulsey Orit.
Ayon sa LGU, layunin ng programa na maalalayan at makapagsimula muli ang mga ‘backyard hog raisers’ at upang maitaas ang produksyon ng baboy ng sa ganon ay bumaba ang presyo nito sa merkado.
Dahil kasi sa epekto ng African Swine Fever ay tumaas ang presyo ng karneng baboy at kahit nakontrol na ito sa lalawigan ng Camarines Norte ay nanatiling mataas ang presyo nito sa mga palengke.
Ayon sa isang artikulo na inilathala sa the Pig Site noong 2020 ang karneng baboy pa rin ang pinaka paboritong karne sa bansa
Ang Pilipinas umano ang isa sa itinuturing na largest consumer ng ng porok products.
Samantala, hinihimok namang makipag ugnayan sa Municipal Agriculture Office ang mga nagnanais na makabilang sa programa.
Tiniyak rin ng LGU na tuloy- tuloy ang serbisyo publiko na mararamdaman lalo nan g mga maliliit.
(PHOTO COURTESY : NEW LGU CAPALONGA)
