CAMARINES NORTE – Pinatitiyak ng Department of Health (DOH) sa Local Government Unit na napapamahalaan ng maayos ang bakuna kontra rabies at mabibigyan ang mga nangangailangan ito.
Ito ang sinabi ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola nitong Miyerkules, sa ikalawang araw ng ginagawang Integrated Local Health Systems Development Forum dito sa bayan ng Daet na dinaluhan ng mga Municipal Health Officer at kanilang mga kinatawan.
Ayon kay Iraola may kamahalan ang bakuna kaya kailangan itong i- monitor at mapangalagaan ng mabuti at maibigay ang preventive immunization sa mga dapat mabigyan.
Mainam naman umano ang ginagawang reporting ng Provincial Health Office pero dapat ay sulatan din nito ang mga munisipyo patungkol sa mga notifiable diseases na na- admit sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na hindi nagdaan sa Rural Health Unit para sa surveillance aspect.
Maliban sa rabies kailangan din umanong nairereport kaagad ang mga notifiable diseases tulad ng diarrhea at maging ang maternal death.
Ayon naman kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinulatan na nila ang mga Rural Health Unit ukol dito.
May mga nabakunahan daw kasi ng first dose at pagkatapos ay wala ng report.
Ani Francisco tama lang na mayroong mga datos kung sino- sino ang ginagamot sa Animal Bite Center para mahanap ng MHO ang pasyente at pabalikin kung kinakailangan pang turukan.
Sa ngayon ay wala pang ipinapalabas na datos ang PHO hinggil sa mga kaso ng rabies pero kinumpirma ni Dr. Francisco sa Brigada News FM Daet na tumaas ang kaso nito ngayon lang Enero. Kung maalala ay dati na at paulit- ulit ang apela ng PHO sa mga Local Government Unit na ipatupad ang kanilang ordinansa hinggil sa responsible pet ownership.
