Halos 200 business establishment sa Camarines Norte isinailalim sa tax compliance verification drive ngayong buwan

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng dalawang araw na Nationwide Tax Compliance Verification Drive (TCVD) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan.

Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon nasa 187 na business establishment sa Camarines Norte ang inabot nito.

Layon umano ng ginawang tax mapping operation na i- educate ang taxpayers at tulungan sila upang hindi magkaroon ng mga paglabag.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ani De Leon, wala umanong dapat ikabahala sa mga “noted violations”.

Ang focus ng ginawang tax mapping ay ang online sellers, unregistered business at ang mga bagong bukas na establishment at iba pa.

Pagkakataon din umano ang aktibidad upang iparamdam sa taxpayers na “friendly” ang BIR.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Positibo naman  ang naging tugon ng local business community sa mga ginawang hakbang ng BIR sa pagpapalaganap ng tax compliance.

Patuloy namang hinihikayat ng RDO 64 ang business sector na mag comply sa tax regulations.

Pinaalalahanan din ng opisina ang mga ito hinggil sa kahalagahan ng pagpapanatili ng accurate na tax records para maiwasan ang penalidad.