Pagsulong ng programa sa kabila ng pag-resign ni VP Sara sa NTF-ELCAC; kampanya VS terorismo epektibo

CAMARINES SUR — Indikasyon ng epektibong kampanya kontra terorismo ang magkasunod na boluntaryong pagsuko ng magka-live in partner na rebelde sa bayan ng Presentacion, sa Partido Area ayon sa pulisya.

Sa nasabing bayan, sa nakalipas na dalawang quarter ng taon, ayon kay Police Captain Mark Spaña, ang acting chief of police, wala na rin aniya silang nakakasagupa o na-mo-monitor na rebelde, at nitong Mayo, unang nagbalik-loob sa gobierno si “ka-JR”, ngayong Hunyo naman sumunod ang kinakasama nitong si “ka-Madelyn”. Dagdag pa ng opisyal, bagaman  may prosesong sinusundan bago muling makabalik sa komunidad, tinitiyak aniya ng pamahalaan ang mga programa at tulong para sa mga rebeldeng kusang susuko sa gobierno, maging ang seguridad ng mga ito.

Kaugnay nito, magpapatuloy aniya ang kanilang kampanya kontra terorismo at pagsunod sa mandato ng nakatataas, at hindi magpapa-apekto sa kabila ng pagre-resign ni Vice President Sara Duterte bilang Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *